Tags

, , ,

Posted on October 13, 2007

Siguro sawa na kayong marinig na paborito ko ang isang show na kapapanood ko pa lang pero yun talaga ang totoo eh. I wouldn’t buy something na alam ko namang hindi maganda.

The only reason (nung una) na binili ko ‘to is because of Chun Jung Myung (di ba kahawig niya si Brent Javier?) Pero there’s more to Foxy Lady than CJM alone. Maganda yung story, nakakakilig. Sobrang lakas ng chemistry ni Vicky and AJ, as in nararamdaman ko talaga siya, everytime they kissed, may something, may spark kumbaga. Bukod sa magandang story, nakakatawa talaga ito, baliw kasi yung mga characters eh. Mukhang baby dito si CJM, kung icocompare mo nga yung look niya dun sa Fashion 70’s, magugulat ka talaga, mas mature kasi siya dun kaysa sa Foxy Lady. Nakakatuwa din si Vicky, lalo na yung part na namomroblema siya about her womb, so funny talaga.

Nirerecommend kong itry niyo ‘to, di kayo magsisisi. At first alangan pa kong bilhin ‘to kasi parang medyo mature na yung drama pero I was wrong. There’s more to it. Swear. Kung wala kayong time bumili, hiramin niyo na lang copy ko. haha, try a few episodes.

[editor’s note]
see, I told you, sorry if this isn’t in english, but I tell you this is a must see.😀