Tags

,

Posted on December 2, 2007

Since medyo nabore ako kagabi, I’ve watched three Korean movies straight.

The Beast and the Beauty – I watched this kasi recommended ni Joanna, maganda daw yung story. Nakakaaliw naman siya infairness, kahit kapatid ko na bihira pa sa patak ng ulan na samahan akong manood ng mga movies na iba ang lenggwahe at puno ng subtitles ay pinanood din ito. Naturally base pa lang sa title alam niyo na how the story goes. Sabi ni Joanna cute daw yung prosecutor dito and chaka naman yung bidang guy kaya naman umpisa pa lang kay prosecutor guy na ako (di ko pa siya nakikita nun), pero sa totoo lang mas gusto ko si Dong Gun (si beast), mas okay siya kaysa kay prosecutor, nakakatouch yung mga efforts niya for Hae Joo. BTW, I think Hae Joo is played by the girl who stars in A Love To Kill (opposite Rain).

He Was Cool – I really enjoyed this one. Kahit na medyo cliché and gasgas na yung story line ayos pa din. Medyo typical na talaga yung story kasi parang ala Meteor Garden, Hana Yori Dango siya. May badboy na nainlove sa isang ordinary girl blah blah. Pero sobrang nagustuhan ko talaga siya, iba pa rin yung kilig na naidulot niya, maganda talaga. Puno ng mga sweet moments. Nakakatawa pa. Ji Eun Sung (bad boy) was played by Johnny, yung nasa Endless Love 1. Unang impression ko nung pinapanood ito is sana iba na lang yung guy for the role, kasi parang di talaga bagay sa kanya, pero nung lumaon ayos na rin. As for the girl, medyo familiar yung mukha niya (siya ba yung bida sa Attic Cat?).

Seducing Mr. PerfectDaniel Henney. The reason I’ve watched this is because of him. Siya yung isa pang guy na nagstar sa Kim Sam Soon. Nung nakita ko na siya yung bida, go na! watch na. Nakakatuwa yung story, walang boring parts at ang ganda ng set nila, I was wondering nga kung sa Korea pa ba ito shinoot. The thing is puro English ang sinasabi ni Daniel all throughout, I was thinking, nagkakaintindihan kaya talaga sila, nakakaintindi ba talaga ng Korean si Daniel or what, kasi sa KSS di din siya nag Ko-korean. Over all, must see pa din ang movie na ito, that’s all I can say.

Generalizations after watching these movies:
Mga di mawawalang scenes sa Korean movies and series:
♦ Lead actors showing off their body
♦ Karaoke singing
♦ Inuman time
♦ Nalasing si girl and then binuhat siya ni guy
♦ Almost all of the time ay CEO or mayaman si bidang guy

[Editor’s Note]
not in english.